Lunes, Pebrero 1, 2016

>>Hakbang sa Pagsusulat



Mga Hakbang sa Pagsulat

Ang proseo ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat. Magkagayon man, mabubuod ito sa 3 pangunahing hakbang.

Pre-writing 

# Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat.
# Pagpili ng paksang isusulat.
# Pangangalap ng datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
# Pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.

Pagsulat ng journal Pre-writing Activities Questioning Brainstorming Pagbabasa Pananaliksik Imersyon Sounding-out friends Pagsasarbey Obserbasyon Pag-iinterbyu

Actual writing 

# Isinasagawa ang aktwal na pagsulat.
# Pagsulat ng burador o draft.
# Pagtatala para sa akdang tuluyan o prosa.
# Pagsasaayos ng panimula, katawan at pangwakas na talata.
# Pagsasaayos ng taludturan o saknong sa akdang patula.

Rewriting 

# Nagaganap ang pag-edit at pagrebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari, at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika. 

# Hindi kumpleto ang sulatin kung hindi ito dadaan sa editing at rebisyon. 
 
Aking mga klasmeyt inyong tatandaan May tatlong hakbang tayo sa pagsulat.

>Ang una ay Pre-writing kung saan nagaganap Ang paghahanda sa pagsusulat.

>Ang ikalawa naman ay Actual Writing Kung saan meron tayong burador., at

>Ang huli ay Rewriting Dito na nagaganap, ang pagrebays at pag-edit Ayon sa wastong gramar at bokabulari At pagkakasunod-sunod ng mga ideya Ang proseso ng pagsulat, hindi lamang komplikado Nagiiba-iba ito depende sa sumulat Paghandaan na ang paksa Subukin sumulat!

>> Layunin sa Pagsulat



Mga Layunin Sa Pagsulat

Pagsulat Ekspresibo Ginagamit para sa layuning pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Halimabwa:
Tula ng mga Makata Transaksyonal Ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan.

Halimabwa:
Liham pangkalakal
Dapat Tandaan: Ang dikotomiyang ito ay hindi laging nag-aaplay sa lahat ng pagsulat. May mga pagkakataon kasing ang pagsulat ay maaring maging ekspresibo at transaksyonal din tulad ng pagsulat ng talumpati para espisipikong pangkat ng mga tagapakinig, na kung saan ang manunulat ay may layuning magpahayag ng kanyang ideya, emosyon o layuning mkipag-ugnayan sa ibang audience. Ayon kay Bernales, et al. (2001).


May tatlong layunin ang pagsulat:
Ø  Impormatibong pagsulat o expository writing
Ø  Malikhaing pagsulat
Ø  Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing

Impormatibong Pagsulat o Expository Writing
Ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay.
Halimbawa dito ay pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o bisnes report na may layuning impormatibo.


Mapanghikayat na Pagsulat o Persuasive Writing
Naglalayong makumbinsi ang mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. Halimbawa nito ay pagsulat ng proposal o konseptong papel, editoryal, sanaysay, at talumpati na may layuning mapanghikayat.

Malikhaing Pagsulat
 Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.

>> Pagsulat



Pagsulat

Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para iba't ibang layunin.
Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.
  

Salik ng diskurso sa pagsulat:



Ayon kay Bernales (2006), ang imbensyon ay isa sa limang pangunahing kategorya ng retorika.
Ang imbensyon ay salitang Latin na nangangahulugang "to find".
Maari rin itong tukuyin bilang paksa.
Ang paksa ay dapat na naaangkop sa sitwasyon at mambabasa, napapanahon, at kawili-wili.

2. Layunin
Lahat ng ating ginagawa ay tungo sa isang tiyak na layunin.
Bawat tao ay may ninanais na makamtan.
Karaniwan na ang pamamaraan ng ating pakikipag-ugnayan ay nadidiktahan ng ating layunin o ninanais na makamtan sa katapusan ng gawain. Sa tuwing tayo ay nagsusulat , isang simpleng liham pangkaibigan man ito o isang pananaliksik, mayroon tayong ninanais na maiparating sa ating kausap.
Sa isang manunulat naman, ang pagsulat ay karaniwang daan sa pagpapahayag ng kanyang saloobin, ng kanyang mga kaisipan, at ng kanyang mga mithiin.
Ang isang akda ay maiituring ekstensyon ng isang manunulat dahil siya ang nagmamay-ari ng kanyang mga kaisipan.

3. Pagsasawika ng Ideya
Ang ideya ay ang kaisipan ng isang tao tungkol sa isang paksa at ito ay mananatiling kaisipan lamang hangga't hindi ito nalalapatan ng mga kongkretong salita na siyang magbibigay kabuuan dito.
Sa pagsasawika mabubuo ang isang teksto.
Sa mga salitang ating mapipili, maipahahayag natin ang ating sariling damdamin kaugnay ng paksa, kung tayo ba ay natutuwa o naiinis, nawiwili ba tayo o naaasiwa.

>> Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat


Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat

Ang pagsulat ay sinasabing may dinaraanang proseso bago ito mabuo at maipahatid ang mensahe sa kanyang mambabasa. May iba’t-ibang pagpapakahulugan din sa salitang pagsulat at narito ang ilang depinisyon nito:
Ang pagsulat ay gawa ng isang manunulat o anumang pagpapahayag na gamit ang mga letra ng alfabeto.


Ang pagsulat ay may letra o mga simbolo na nakasulat o nakalimbag sa ibabaw ng papel para katawanin ang mga tunog at ang mga salita ng isang wika.
Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita.


Nasasakop din ng pagsusulat ang lahat ng natutuhang kaalaman na nakapaloob mula sa nabasa at sa narinig. Kailangan dito ang pagsasanay upang malinang nang husto ang kasanayan sa pagsusulat.
Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon
ka muna ng kaalaman sa iba’t-ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat. 


Sosyo-Kognitibong
Pananaw sa Pagsusulat

Ayon kat R.T. KELLOGG (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisp na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng pag isip.
Halos ganito rin ang depinisyon ni GILHOOLY (1982, p.1), at sinabi niya na sa pag-iisip bilang set ng mga proseso, ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong modelo.
Sinabi pa ni KELLOGG na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. 


Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema, pagbuo ng pagpapasya at gawain sa pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang mayamang produkto na ginagawa ng mga manunulat.

Binanggit pa ni KELLOGG na may ilang argumento sa pag-aaral ng pagsulat;
Una, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisp. Ang pag-iisip na mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon.
Ikalawa, ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip. Sa pagsulat ng isang paksa natututong mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa.
Ikatlo, kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupuyagi.
May mga sumunod pang modelong kognitibo at ang PINAKAMAKABULUHAN ay ang modelo nina BEREITER at SCARDAMALIA (1987). Nagbigay sila ng dalawang panukala sa pagbuo ng pagsulat. 


Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang manunulat na isinusulat lamang ang nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay,
At ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat.
Nagkaroon din ng problema rito kung paano maipapakita ang proseso ng pagsulat at kung kailan nagsisimulang magsulat ang manunulat.